Isang Magandang Alaala
Isinulat ni: Ryan Magtibay
Gary, 36, may-ari ng isang maliit na beerhouse
Tessa, 16, anak ni Gary
PANAHON: gabi, matapos ang hapunan
Ang dula ay magsisimula sa silid ni Tessa. May maliit na kama sa gitna, may aparador sa gilid, at may salamin sa tabi nito. May lalagyan rin ng libro at larawan sa tabi ng salamin. May ilang manika ang nakapatong sa may kama. Kapansin-pansin na hindi mayaman ang may-ari ng silid.
Liliwanag ang slid at biglang papasok si Tessa, isasara ng padabog ang pinto at tsaka guguluhin ang mga gamit sa kwarto. Ihahagis ang mga libro at larawan, damit at manika sa kung saan-sang sulok ng slid. Kapansin-pansin ang pagkainis at pag-iyak nito. Tutungo ito sa isang drawer at kukuha ng baril. Tutuloy ito sa sulok at doon hahagulgol. Unti-unting magdidilim ang silid hanggang sa tuluyang magdilim.
Matapos ang ilang segundo ay may maririnig na katok. Mananatiling nakapatay ang mga ilaw. Matapos ang ilang segundo ay mauulit ang pagkatok. Matapos ay bubuksan ni Gary ang pinto ng dahan-dahan. Kasabay nito ay dahan-dahan namang magbubukas ang mga ilaw.Gary: Tessa? Malungkot ang tnig.
Tessa: Lumayo ka! Dito ay bubukas na ang ilaw ng tuluyan. Sasagot si Tessa ng hindi tinitinganan si Gary.
Gary: Anak gusto ko lang mag-usap. Nanunuyo.
Tessa: Anung karapatan mo para tawagin akong anak? Lumayo ka! Pasigaw.
Gary: Anak wag ka namang ganyan. Nanunuyo pa rin.
Tessa: Sinabi nang lumayo ka! Tatayo ito upang batuhin ang ama ng librong nadampot sa sahig.Iilag si Gary.
Gary: Walang mangyayari kung hindi mo ako kakausapin! Bakit? Kaya mo na ba mag-isa?
Hindi iimik si Tessa at, sa halip, ay titingnan lang ng masama ang ama.
Gary: Anak, intindihin mo naman ako. Lalapit kay Tessa.
Tessa: Wag mo akong lapitan! Hayup! Hayup!
Lalayo si Tessa sa ama.
Gary: Anak…
Tessa: Tantanan niyo nga ang pagtawag sa akin niyan! Nakakapandiri! Dahil simula kanina, winakasan mo na ang pagiging mag-ama natin!
Gary: Ginawa ko lang iyon para sa iyong kapakanan!
Titili ng malakas si Tessa. Tatakpan nito ang kanyang mga tenga at mapapaluhod. Patuloy ang kanyang pag-iyak.Tessa: Ang kapal ng mukha mo! Ang kapal mo! Mararamdaman ang pagkapoot.
Gary: Hindi mo ko naiintindihan. Papatayin nila ako kung hindi ako papayag!
Tessa: Kaya ba mas pinili mo ang sarili mo? Unti-unting tatayo at titngin ng masama sa ama.Tessa: Ha? Pauyam. Itay?
Gary: Patawarin mo ako anak. Luluha.
Tessa: Ha! Patawarin? Napakadali namang sabihin. Pero kung anung dali pa lang bigkasin ng mga salita, anung hirap rin kung gawin. Pasingal.
Gary: Wag ka namang ganyan, anak.
Tessa: Bakit? Noong nangako kayo ni nanay sa harap ng altar na magsasama ng habang buhay, di ba anung dali kung bigkasin ang mga salitang yun? Pero, tay, nagawa niyo ba? Siyam na taong gulang pa lang ako nang sabihin niyo saking hindi niyo na kaya!
Gary: Hindi ko kasalanan iyan, anak! Alam mo iyan!
Tessa: Paismid. Ano, tay? Hindi mo kasalanan? Ang alin? Eh lahat yun kasalanan mo!
Gary: Hindi ako ang nangaliwa! Pasigaw.
Tessa: Pero wala ka ring ginawa! Wala! Maluluhod sa labis na pagiyak.
Gary: Hindi ko na kasalanan iyan! Ang ina mo ang gumawa ng gulo, hindi ako! Ginusto niyang maghiwalay kami! E di sige! Hindi ko kawalan!
Tessa: Pero kawalan ko! Kawalan ko!
Gary: Hindi mo kailangang ng ina para mabuhay. May galit.
Tessa: Pasigaw. Sinong may sabi sa’yo?
Hindi sasagot ang ama.
Tessa: Manhid ka ba talaga? Manhid sa kung anung nararamdaman ng sarili mong anak?
Titingin papalayo kay Tessa ang ama. Halata na ang mga luha sa mata nito.
Tessa: Hindi mo alam kung anung ginawa nila sa akin! Mabagal at bakas ang pagkamuhi sa bawat salita. Binaboy nila ko! Wala silang tinira! Wala!
Gary: Patawarin mo ––
Tessa: Dahil sa’yo! Dahil makasarili ka! Sana hindi na lang kita naging ama!
Gary: Pwes, hindi mo rin alam kung paano nila ako pinahirapan! Hindi mo alam kung paano ––
Tessa: Kaya ako na lang, tay? Pasigaw. Kaya ba hinayaan niyo na lang silang gawin iyon sa’kin? Kaya niyo ba ko binigay sa kanila para ako na lang iyong tumanggap ng hirap kasi hindi niyo na kaya?
Gary: Hindi ––
Tessa: Punong-puno ng pagkamuhi. Ang sama mong ama! Ang sama mo! Ang sama mo!
Gary: Mapapaluhod at umiiyak. Ang sabi nila isang beses lang daw. Tapos hindi na nila tayo gagambalain. Hindi na raw sila babalik. Isang beses lang daw…
Hindi makapaniwala si Tessa. Hahagulgol si Tessa ng napakalakas habang nakaluhod at nakayuko pa rin si Gary sa sahig.
Tessa: Mpapaluhod din ito. Binaboy nila ko, ‘tay. Madiin at malakas. Hahagulgol si Gary pagkarinig ng mga salitang ito. Paulit-ulit nila akong binaboy! Pasigaw. Paulit-ulit! Paulit-ulit!
Hindi sasagot si Gary at patuloy na iiyak.
Tessa: Hindi sila naawa, tay! Hindi naawa ang mga putang-inang mga pulis na ‘yon! Baboy sila! Baboy! Pagkamuhi.
Gary: Patawad, anak…
Tessa: Alam mo, isang bagay lang ang pinanghihinayangan kong hindi nila ginawa. Dapat pinatay na nila ko! Ilalabas ang baril na kinuha kanina sa drawer.
Mapapansin ng ama ang hawak ng anak.
Gary: Anak?! Huwag! Agad na lalapit sa anak upang tangkaing agawin.Itatapat ni tessa ang baril sa ulo niya at lalayo sa ama.
Tessa: Huwag kang lalapit! Ipuputok ko ‘to!
Gary: Anak, wag mo namang gawin ‘to!
Tessa: Wala ka nang anak! Nung mga panahong iyon na ibinugaw mo ako sa mga pulis na iyon bilang kabayaran para hindi ka na nila dakpin dahil sa makamundo mong pagshashabu, kinalimutan mo nang may anak ka!
Gary: Pasigaw. Huwag! Mahal na mahal kita, anak!
Matitigilan si Tessa ngunit patuloy ang pagdaloy ng kanyang mga luha.
Tessa: Paiyak. Sa buong buhay ko, tay, yang mga salitang yan ang pinakamagandang alaala niyo sa akin.
Biglang magdidilim at maririnig ang isang putok ng baril na kasunod ay isang malakas na pagsigaw mula kay Gary.
Kasabay ng mga Rosas
By: Ryan Magtibay
Kasabay ng hanging iihip sa iyong buhok
Kasabay ng iyong boses na unti-unting bumubulong
Kasabay ng iyong mga matang unti-unting mumulat
Kasabay ng ‘yong labing unti-unting bumubuka
Isang anghel ang dito ay bababa
Isang libong kalapati ang sabay-sabay na lilipad
Para ako’y samahan sa mga sandaling ito
Para ako’y tulungang masabi sa iyo
Kasabay ng mga rosas na mamumulaklak
Kasabay ng mga bituing patuloy na kikislap
Kasabay ng mga dahong pumapagaspas
Kasabay ng mundong sa iyo’y iaalay
Kasabay ng lahat-lahat ng tungkol sa iyo
Ay ang pagmamahal kong matagal nang itinago
Kasabay ng tugtuging maririnig mo,
Ilalahad ko ang pusong para sa ‘yo
i hate this. and as much as i want to delete those blog entries right now, i can't. simply because i have a rule that i don't delete blog entries. (so i just hid them. bwahahaha. hindi rin siya naka friends only, ray2, so asa ka pa.
nakaprivate na sila. hindi nakadelete pero nakaprivate.)
(sori dani, di ko na gagawin yung intel post.)
look, para sa lahat ng taong nagbabasa ng blog ko, i don't mean to be "mayabang" or whatever, ok?
i like saying what i want to say. and if you find that mayabang eh di magcomment ka. i don't give a damn. those are my opinions. leave it as it is.
First of all, kaya ko ginawa yung entries na yun kasi nagcomment siya sa isang entry na sensitive para sakin. kaya kung magyayabang ako sa mga xientians, i earned the right, ok?
walang masama sa pagsabi na mas malinis ang campus ng isang skul sa isa pa. eh ni hindi ko nga ikinumpara yung skul niyo sa skul ko eh. so you should have taken that as an unbiased opinion. di ba sa rules ng journ, ganun? dapat hindi involved yung tao sa mga bagay na kinocompare niya? and i wasn't. so it was an outright opinion.
kung nagalit kayo dun pwes problema niyo yun at nasa inyo ang mali, wala sakin. kayo ang mababaw.
kayo ang naunang magyabang (hindi naman siguro pagmamayabang na sabihing mas maganda ang campus ng isa sa isa pa, di ba?!?!?!), kaya kung magyayabang ako pwes kasalanan niyo yun.
opinion ko lahat ng bagay dito. kung di mo kayang tanggapin, lumayas ka sa blog ko. sino bang nagsabi sayo na basahin mo ang blog ko in the first place?
eto ako. tanggapin mo ng buo o kung hindi, eh di isuka mo. i don't care.
and since people find my opinions irrelevant, irritating, violent, offensive, whatever, then I'll stop doing it.
sabagay, world peace di ba? and if I am a hindrance to that, then I'll get out of the way.
(sige na, wrong move pa rin to ray2 pero what the hell, hindi ko kayang tanggapin lang to ng basta.)
for the benefit of everyone, I'll shut up. Blogging is starting to be dull anyway.
I know I would. 
Rob! sabi ko sayo act 2 na lang ako ng Julius Ceasar eh! Di pa ko umaabot sa Act 3! Grr. Soliloquy lang ni Mark Anthony ang alam ko sa Act 3. At lalo namang wala akong kahit anong alam sa Act 4 at 5. waw. mapipilitan tuloy akong magbasa. kaw talaga. 
My life is pretty much pathetic right now. I can't resist computer games. (must... play...) And everytime I start reading, I fall asleep after two minutes. So how the hell would I be able to cope up with so much thing to do? Hay. And there's no more drive. Nothing. Just requirements. I'm starting to hate what I do.
That's why I need the Christmas vacation. You now, to wear out the negative marginal utility I have. I want to actually miss being in school before I can go back to my study habits because right now, my body just resist everything Pisay is trying to tell me to do. And I mean EVERYTHING. Even with the threat of losing my precious 1.47 average. Seriously, I need the xmas break. But no.
I have the numerous Yearbook writeups. I have "Of mice and men", "Les Miserbles", and "Magnda pa ang umaga". I have numerous palancas to write.
O sige nga. Kahit nga ata 2 months, hindi ko pa tapos lahat iyan eh.
I want to cry now. Really. 
Sige na. As if naman kasing mawawala yang mga yan kapag sinumbong ko sila sa blog ko. Fine.
This post is pointless.
But when the noble Ceasar saw him stab, ingratiude, more strong than traitors arms, quite vanquished him, then burst his mighty heart.
I actually used this as my Ateneo Application Essay. Hehe. And I only read it again just now. I liked it so I'm posting it. Hehe.
Not Just An Ordinary Birthday
Ryan Magtibay
It was totally unexpected. I never really thought it would happen to me. I thought of doing it to someone but never really the other way around. After all, what they did was pretty much a cliché already; you would see the same thing a lot in movies and television shows. But never, in my entire life, had I thought that someday, I would be that special.
Way back, before it happened, I knew who I was or, rather, I knew that I didn’t know who I was. I knew that I was in constant search of who I was as a person. Yes, the same old process that every teenager pass through. But I guess it was different with me. I wanted more than just knowing who I was. I wanted a mark. I wanted a distinction. I wanted a definition. I wanted something that would not just tell people who I was, but would also make me standout. I expected that God gave me something that would make me more of a person than any one else. And I guess I expected too much.
I wanted to know who I was, but deep inside me I was scared that maybe I wasn’t that great. I was afraid that the real me – the one I’m looking for – would just be another ordinary face in the street. This was why I kept on trying to make something significant or achieve something great that people would start to label me after it. In the end, all I really wanted was not to end up in the list of ordinary people that lived in this world.
I went from happily searching to desperate to depressed. As I look back now, I guess it was pretty normal for me to feel that way. After all, I was in an identity crisis and every one, in many ways, pass through the same stages of life. It was part of growing up. But the depression inside me stayed. The sadness continued to devour my being. I just felt so heart-broken that I don’t like who I was. The feeling stayed with me and no one knows about it. It was then that they came into the picture.
I never really thought that birthdays are fun. I always thought that they are only to remind you that you’re growing older and to give you reason to demand for gifts from your friends. Birthdays are just like every other day, only that they make you special. And that would be exactly what I felt when I heard that loudest birthday greeting I’ve ever heard.
I was walking with my friend that afternoon and we were talking about almost anything. It was a cell phone call that made us stop. After which, she took me the cafeteria, where I was supposed to treat her anything. After all, according to her, it was my birthday. She continued walking around the cafeteria. I was unconsciously following her, baffled at what she was doing. She stopped in a corner and turned to me. That was when everyone else suddenly showed up and simultaneously shouted “Happy Birthday!” and one of them was even carrying a big chocolate birthday cake.
It happened in the cafeteria, in front of practically almost the whole school. But at that moment, I didn’t notice that. All I knew was that in front of me are almost more than 40 people who had just made me feel that, hey, they love and have always been there for me and for them, I’m not just an ordinary person. I am a friend. And for that, I’m special.
The identity crisis ended there. Somehow, those people reminded me that I don’t need a mark. I don’t need distinction. I don’t definition. All I really needed to know was that I can do something great someday and that I have friends to help me in the process. God, after all, did give me something that would make me feel more of a person than any one else.
Right now, because of that birthday surprise, I’m contented with the fact that I have talents and accomplishments and that I have the determination to do what I want to do. Who I am or will be is still in the works. But right now, I’m just another ordinary person that has friends who make me glow in a crowd.
haha. tama si dane. the hell. bakit kami dapat kabahan saharap nila, eh mga corrupt sila! we are actually angels when placed beside them. haha.
The Senate session hall was smaller than what is shown on TV. haha. And mind you, those senators are not early birds. Si Kiko Pangilinan lang at si Flavier ang sakto sa 330 na usapan ng start ng session. Late nga si Loi Estrada eh. haha.
And Pia Cayetano's hair is BIG. and her make-up is thicker than the Earth's crust. Pinalakpakan niya kami though. Yung sincere na palakpak ah. hehe. Go Pia!
Tapos ginawa naming waiting room yung place kung saan ginaganap yung blue ribbon committee sessions. haha. waiting room lang pala yung ng Himig Agham eh! ang comfy nung chairs, though. 
Tapos may nagpapic samin na senator na hindi ko kilala. haha. talk about current events on eng journ, ryan!
Pero still, mas masaya pa yung trips papunta at pabalik kesa nung nandun talaga kami. masaya lang dun kasi nasa isang lugar ka na sikat. at di yun dahil sa senators kundi dahil yun ang place kung saan maraming batas yung ginagawa. kumbaga, masy nagenjoy kami sa dahilang nasa isang lugar kami na may katuturan at may kasaysayan at di dahil makikita namin ang asawa ni Sharon o kung sino mang senador na naging corrupt kahit isang beses lang.
haha. ang sungit kaya nung elevator lady. boo.
***
"Yes! Nalawayan ko na ang Senate!" --> Ben Lopez
hahahahaha.
eto yung 15 people oh:
http://www.tabulas.com/~revolutionofnayr/833323.html
haha. try to guess them. i doubt umabot ka ng 5 na mahulaan though.
boo.
"I know you" my ass. You guys don't know me. No one does. So don't act like it. I'm happy this way. Let me be.
boo.
Now I wish I'm fully deaf. Words are really harsh. Especially those from people who judge you in every way possible. Grr.
***
Himig will sing tomorrow! Yey. Kahit alam kong konti lang ang naitutulong ko (kasi kaya naman ni Ben mag-isa. camon. haha.), I'm still happy. I really want to sing you know. Hay.
***
Salamat Cesium, salamat. Fun-loving nga talaga kayo. Fun-producing, making, at lahat na din.
Salamat din promil kid. ganda ng bahay mo. :D
***
I'm still asking myself what I told Ivy after CAT.
Why did God made me half-deaf? Kung hindi kaya ako half-deaf, meron kaya akong narinig na kahit ano na makakapagpabago sa buhay ko?
***
The hell with ears anyway.
no rob, i'm not angry. haha. so like you. nagpanic ka pa. haha. nagloko yung YM. and you should know me by now. I don't get angry with hose kind of things. Ganun din ako mangasar eh. Di naman patas kung maaasar ako sa mga bagay na ginagawa ko rin sa iba. 
and no, i don't care if she says yes to someone else. and say no to another one. haha. poor another one. pero kasi, desidido akong magstag ngayon. I don't view prom as a romantic thing. Unless I'm inlove with someone right now. Unfortunately, I'm not. haha. So prom will still be somewhat like a bonduing time with my friends. In a very sophisticated manner, that is. Tsaka, the hell with romantic things. In the end, if you're not so sure about the romance, it would just end up to be a serious heartbreak.
if there is one thing I'm sure about it would be that I really have a BIG crush on that Dia 2010 girl. waw. haha. She looks like as if she's so fragile and yet, her eyes express that strength that every woman possess but is seldom seen. Most especially her lips, that pouts in a way more sexier than how Angelina Jolie does and yet, no matter how much it makes her look so hot, it also somehow makes her look like a pure-hearted female - someone who has a golden heart and soul. ambait niya kaya tingnan. at ang ganda rin.
Now, I'm really proud of my company. Hindi ko inexpect ang creativity niyo at yung galing niyo sa pasulong. Go Alpha! congrats sa mga bagong niyong asawa!
Putting white spaces between operators and operands in one string are equally strenuous and irritating becasue it seems useless. haha.
Electron's paskorus practices are depressing. Magaling ang electron. Oh yes. Talented kung talented. Pero naman. Hindi daw ba mapractice dahil wala ako?! Eh sinabi ko naman na may practice SILA. Kasi nga hindi ako makakapunta. Tapos hindi sila nagpractice dahil lang wala ako?! Wala lang. It makes me feel like I'm more burdened. Ang labo lang na sobrang dumedepende naman sila ngayon. Kaya naman nila eh. Ayaw lang nilang sa kanila manggaling yung initiative. Sayang naman. They become better everytime they practice. Tapos hindi sila nagpapractice. 
so, WHAT HAVE YOU LEARNED ABOUT LIFE TODAY?
Life is something you can't control and is most of the time, unpredictable. But you have to go with it, simply because there is no way out but to face it and show to it that, hey, no matter how hard the challenges it poses to you, you would be able to survive it.
Even in the presence of tears, pain and shame.

