This was a failed concept again. Haha. Ganda pa naman nung naisip kong plot. Di ko ata masyado napalabas. Haha. Wala kang choice, tinatamad akong magsulat ng mahaba eh. I think mas effective to kung mas mahaba pa. Pero. =)) And i guess weakness ko nga ata ang conversations. Or maybe I haven't written for a long time. Si AA kasi eh, napilitan tuloy ako. Pero nahihiya naman akong isubmit to sa Medics so nevermind na lang.
This is an achievement not because it's good but because for the longest time, ayan, nakapagsulat na rin ulit sa wakas. Ngingiti ang singit ng Tabulas ko dahil may laman na naman siya. Haha.
Train
Ryan Magtibay
“Miss, bawal daw tumapak sa yellow line. Papagalitan ka ng guard.”
Tumingin lamang siya sa akin. Tila nabigla sa kanyang nakita. Ngumiti ako.
“Sorry. Epal ba?”
Napangiti siya – ngiting unti-unting nagging isang tawang walang tunog. Sumigla ang kanyang mga mata, ginawang tuwid ang kanyang pagkakatayo, inayos ang sarili, at tsaka humakbang ng dalawang beses patalikod – palayo sa dilaw na linyang bawal tapakan. Tumingin siya sa akin.
“Salamat. Nagulat naman ako sayo.”
“Bakit naman?”
“Nakakatawa lang. Sa mga pagkakataong inaakala mong nagiisa ka, biglang eto: Ikaw. Ito.”
Natawa ako. Masarap palang magpangiti ng ibang tao – kahit di mo kilala. Masarap gawin pagkatapos ng isang malungkot na araw.
“Paano mo nalaman?” tanong niya.
“Nakita lang kasi kita kanina na ginagawa mo. At mukha kang malungkot. Sayang. Ang ganda mo pa naman ngumiti.”
Napatawa na naman siya.
“Salamat. Yan ang pinakasweet na ginawa ng isang tao sa akin.”
“Walang anuman.”
Nagtitigan kami. Segundo. Minuto. Pinagmasdan ko ang hugis ng kanyang mukha, hugis ng katawan, ang kanyang pananamit, ang aninag ng kanyang pakatao.
“Bakit ka malungkot?” tanong niya.
Shet. Unang taong nagtanong sakin niyan sa matagal na panahon, hindi ko pa kilala. Napangiti ako. So mas may pakialam pa ba sa akin ang isang taong hindi ko kilala na bigla kong kinausap, kinamusta, at pinangiti? Tumingin ako sa taas, nagpasalamat.
“Wala. Para kasi akong nagiisa eh.”
“Wala kang kasama?”
“Oo.”
Naintindihan niya. Naaninag kong nalungkot ang mukha niya at ang pag-aalala niya’y tumagos sa aking puso. Hindi ko napigilang huminga ng malalim. Minsan pag totoo ang nararamdaman mo, pag masakit at di mo mapigilan, mahirap aminin sa iba na malungkot ka.
“Gusto mo ba ikwento sa akin?” tanong niya.
Shet. Muli, unang taong nagtanong sa akin niyan, hindi ko pa kilala. Tumingin ulit ako sa taas. Sa pagkakataong ito, tumawa ako ng malakas.
“Mahaba. Ayos lang?”
“Oo naman. Nagmamadali ka ba?”
“Hindi. Nagmamadali ka ba?”
Ngumiti siya.
“Hindi.”
May dumaan na tren sa harap niya. Panandalian ko siyang hindi nakita. Sinubukan ko siyang maaninag sa pamamagitan ng mga bintana ng dumaang tren ngunit biglang may dumating na tren sa harap ko. Hindi ko na siya makita. Paano kung kelangan niya na palang sumakay? Bababa na ba ako, lilipat ng platform, at hahabulin siya?
Patalikod na ako nang muli ko siyang nakita sa isa sa mga bintana. Nakangiti lang siya. Matapos ang ilang sandal ay umalis ang dalawang yreng nakaharang sa amin.
“Natakot ka?” tanong niya.
“Akala ko iiwan mo na ko eh.”
Napatawa siya.
“Sabi ko nga di ba, hindi ako nagmamadali.”
“Buti ka pa. Lahat ng tao sa buhay ko labas pasok lang eh. Wala man lang lumilingon para itanong kung kamusta na ko.”
Nawala ang kanyang ngiti. Tumingin siya sa malayo at tila napagisip ng nasabi ko. Hindi niya ata alam ano ang isasagot sa akin. Bat ba ko nageemo sa taong hindi ko kilala?
“Uy! Pero ayos lang naman ako. Nagulat lang kasi ako sa tanong mo.”
“Aling tanong?”
“Yung kung gusto ko ba ikwento sa’yo.”
“Bakit naman?”
“Wala lang. Bakit ikaw may pakialam? Bakit yung iba wala?”
“Bakit sila walang pakialam sa’yo? It’s their loss.”
“Ikaw ba’t ka malungkot?”
“Kasi may gustong iba yung gusto ko.”
“Hindi ka ba niya gusto?”
“Gusto. Pero hindi niya kaya yung condition ko eh. Nahihirapan siya.”
Naintindihan ko. At bigla akong mas nalungkot. Bakit ba may mga tao talagang nagaaksaya ng iba na nagpapahalaga sa kanila? Samantalang ako, ang tagal-tagal ko nang naghahanap.
Malayo siya. Pero alam ko nahihirapan siyang sabihin iyon. At the same time, nararamdaman kong lumalaya ang kanyang kalooban sa pagsambit nun.
“Nakakatawa naman. Mag-catahrsis daw ba sa isang taong hindi mo kilala?”
“Bakit naman hindi di ba? Mas maayos nga to. Walang judgement.”
“Ako nga pala si Mot. Sorry ngayon lang nagpakilala.”
Natawa siya.
“Ayos lang. Ako si Rona.”
Gusto ko sanang itanong kung pwede ba kong mainlove sa kanya. Buti napigilan ko ang aking sarili. Nakakatawa naman kasi, mainlove daw ba sa isnag taong bigla mo lang kinausap. Pero gusto ko pa siyang makilala. Para kasing nagkakaintindihan kami. Parang iba siya sa lahat ng taong dumaan sa buhay ko.
“So gaano ka na katagal na bingi?” tanong niya.
Napatigil ako. Shet.
“Mot?”
Matagal ata bago ako nakasagot. Hindi ko pa kasi nasasabi na gusto ko siyang mas makilala pa. Na ayos lang sa akin ang kalagayan niya. Na naiintindihan ko siya. Na maiintindihan ko siya.
“Hindi ako bingi. Marunong lang ako magsign language. Workshop sa school na kinareer ko.”
Matagal din siyang hindi kumibo. May dumaan na namang tren sa harap ko. Halos sigurado akong wala na siya pag-alis nito. Baka tumalikod na siya sa akin. O kaya’y lumabas na ng train station.
Pero nandun pa siya. Natuwa ako.
“Akala ko aalis ka na.”
“Wala pa yung tren sa side ko eh.”
“Iiwan mo na ko?”
“Iiwan mo rin naman ako, eventually. What’s the point?”
“Ikaw lang nagpangiti sakin ngayong araw na ‘to. Malulungkot ako ulit pag umalis ka na.”
“Will you be different and accept me for me? Magiging kagaya ka lang niya. Hindi mo rin ako maiintindihan.”
Pumikit siya. Shet. I just lost someone again.
Dumaan ang tren sa side niya. Paano ba mamaalam sa taong wala na?
may reklamo?

