Poke, Poke
Ryan Magtibay
Pumasok siya sa Coffee Bean dala ang
mukhang kunwari malungkot at nagsisisi pero pacute pa rin at halatang ang
tanging pakay lamang ay ang amuhin ako na batiin siya. May tampo kasi ako sa
kaibigan kong yan. Hindi naman kasi patas na kapag tinext niya ko ng Sob… (with a sad/crying/crying violently
smiley face) eh mabilis pa sa kidlat akong kakaripas papunta sa kung nasaan
man siya, kahit ano pang ginagawa ko. Tapos ako, uulanin muna ng sampung libong
5 minutes at teka lang sorry busy pa ko eh bago siya dumating. Bwisit. Bwisit
talaga.
Busy?! Wushu. Asa! Malaking Asa!
Kung alam ko lang, nakikipagusap na naman siya sa di mo maabot at di mo matarok
na crush niya at nanliligaw sa kanya na kinuha na ata lahat ng talent at
magandang bagay, kahit kagwapuhan, sa mundo.
Minsan tuloy, dahil sa crush niyang
iyon, iniisip ko, siguro malungkot ‘tong taong ‘to. O kaya nasexually harass
nung bata. O kaya naagawan ng mana ng isang kapatid nang hindi niya alam.
Basta. Kahit anong mangyari, hindi perpekto ang buhay nun. Hindi dapat. Hindi
pwede. Kasi kung ganun, tarantado ang nagsabing all is fair in love and war.
Isang babaeng nakasimpleng org shirt
at blue jeans ang tumayo sa tabi ko at nagkukunwaring pinagmamasdan lang ako.
Maya-maya, sinisimulan na niyang pindut-pindutin ang braso ko gamit ang kanyang
hintuturo. “Poke. Poke,” ang sabi niya na parang akala mo naman umeepekto ang
pagpapakyut sakin. Patuloy ko siyang hindi pinapansin at nagkukunwaring hindi
pa rin tapos sa homework na apat na oras ko nang ginagawa dahil hinihintay ko
siyang dumating. Grabe. Kapag naman hindi ko naperfect ang homework na to, sa
sobrang dami na ng double check na ginawa ko habang naghihintay sa pagpoke ng
babaeng nasa tabi ko ngayon, ewan ko na lang.
“Huy, Pete, bati na tayo. Sige na,”
ang sabi niya na may matching pouting of
lips pang nalalaman. Hindi ko siya pinansin. “Sige na. Grabe ‘to. Ang gwapo
mo ngayon. Yikee…” Sa isip ko: Ayoko.
Hindi mo na ko maloloko ng ganyan.
“Uy, uy, tingnan mo yung babae dun
sa kabilang table oh! Kanina pa nakatingin sa’yo. As in! Di nga!” Ano namang pakialam ko sa babaeng yun kung
yung kanina ko pa hinihintay hindi naman ako pinansin ng apat na oras?!
“Uy di nga! Weh! Seryoso nakatitig
talaga siya! OMG, tingnan mo oh nalaglag niya pa kunwari yung kutsara niya para
lang magka-excuse na tumngin dito! Grabe! Nakikita mo ba siya?” Buti pa nga siya nagpapapansin. Ikaw, kapag
nagalit ako tsaka lang.
“Huy, pansinin mo na nga ako!
Hello?! Jane to Pete, hello? Huy. Wag ka na magalit. Hindi ko naman kasalanan
eh. May problema din kasi siya… kaya di ako nakaalis kagad,” ang sabi niya,
gamit ang isang malungkot na tono, sabay tungo ng ulo. Sabi ko na eh!
“Pwes buti pa siya,” ang sabi ko
sabay tayo para umorder ng panibagong kape at ng chocolate cake o kahit anong
matamis. Pagkatapos ng sinabi niya, parang kelangan ko ng pampasayang pagkain.
“Hoy, grabe ka ah. Nagseselos?!” Kung alam mo lang! Hindi ko siya
pinansin. Bumalik ako sa upuan ko at nagsimula ulit sa ikalimampu’t siyam na
pagdodouble check ng aking homework.
“Huy. Hindi mo ba talaga ako
kakausapin?”
“Anong tawag mo sa pagcomment ko
kanina?”
“Eh hindi naman maituturing na
conversation ang isang beses na palitan ng tig-iisang sentences noh!”
“Oo kaya.”
“Galit ka pa ba?” Bakit pwede ba kong magalit sayo?
“Oo.”
“Kaya nga sorry na eh,” ang sabi
niya gamit ang isang boses na nawalan ng tapang mula sa kanina niyang mga
pangungusap at napalitan ng lungkot. Hindi ako umimik.
“Bakit ka ba nagtext ng Sob?”
“Kasi malungkot ako.”
“Bakit?” Kasi wala ka. Kasama mo yung crush mong demi god.
“Kailangan ba may dahilan?”
“Kita mo to, inaaway mo ko dahil
hindi kita nasipot kagad tapos wala lang pala.”
Nagsimula siyang tumayo at tumalikod
para umalis na. Gusto ko siyang pigilan pero parang may glue ang mga paa ko at
tila nakapako ang likod ko sa upuan na ang tanging nagawa ko lang ay tingnan
siya ng may panghihinayang. Nagsimula na siyang maglakad paalis. Grabe hanggang dito na lang ba ako?
Bigla siyang humarap ulit ng may
ngiti at nagtatakbo pabalik sakin.
“Joke lang! Yikee! Nalungkot yan
kasi akala niya iiwan ko na siya! Haha.”
Nagulat ako. Hindi ako nagsalita
pero hindi ko rin napigilang mangiti. Mababaw na kung mababaw pero natuwa akong
bumalik siya. Akala ko wala na talaga eh.
“Yes! Napangiti ko rin siya! Oh
bawal na magalit ah! Nakangiti ka na!” ang sabi niya.
Hindi ako nagsalita. Tumingin lang
ulit ako sa laptop ko pero sa pagkakataong ito, sinara ko na ang window ng
Microsoft Word kung nasaan ang homework ko.
“Bat di ka pa rin nagsasalita?
Speechless?” Sa’yo? Why not?
“Hindi kasi ako makahinga. May
mabaho,” ang sabi ko sabay tingin sa kanya at takip ng ilong ko gamit ang aking
hintuturo.
“Ang kapal mo ah!” ang sabi naman
niya sabay pakunwaring amoy sa kilikili niya para lang malaman kung totoo ba
sinasabi ko. At dahil dito, lalu akong natawa.
“Nakakainis ka!” sabay palo sa akin.
Hindi ako umimik at tiningnan ko lang siya. Ang galing. Alam ko kanina
malungkot ako eh. Ngayon, hindi na.
“Pero sorry pa rin ah. Alam ko
naming sumama talaga loob mo eh. Kasalanan ko talaga. Hindi ako makaalis eh.
Nung nagtext ka kasi, sakto naman na nagsimula siyang magbuhos sa akin ng sama
ng loob.” Sabi ko na eh! Hindi perpekto
buhay nun! May problema din yun!
“Akala ko perpekto yun?
Nagkakaproblema din pala?” ang sabi ko, kasabay ang isang maikling tawa.
“Grabe ka naman Pete. Tao naman
siya. Naiyak pa nga siya eh.”
Tumingin siya sa malayo tangay ang
mukhang inaalala ang nakaraan. Dahan-dahan niyang sinara ang mga mata niya
tapos ay muli itong binuksan. Kahit wala akong nakitang tumulong luha, alam ko,
sa loob niya, naiyak siya para sa lalaking yun.
Tumalikod ako sa kanya, kunwari
bigla lang nagbasa ng poster ng Coffee Bean sa pader na katabi ko. Talo na ba ko? Ginusto ko ring umiyak sa
mga sandaling ito para mapakita sa kanyang tao rin ako, parang yung crush niya.
At kagaya nung lalaking yun, pwede niya rin akong maging crush.
Matagal na walang nagsalita. Animo’y
may hinihintay kami pareho na gawin ng isa bago matuloy ang masayang usapan
kanina.
“Pete, mahal ko na ata siya.”
Ayoko na siyang harapin nun. Baka
kasi mahalata na niya na may nararamdaman ako kapag nakita niyang ang reaksyon
ko sa sinabi niya ay katulad ng isang negosyanteng nabankrupt. Hindi ako
kumibo.
“Ano?” ang sabi ko,
nagbibingibingihan.
“Hindi. Ano ka ba. Hindi ko naman
feel na may gusto na ko sa kanya dahil iniyakan niya ko,” ang sabi niya na
parang di ako narinig at parang kausap ang sarili.
“I mean, gwapo naman siya.
Responsible din.” Ako din naman ah!
“Talented pa! Tsaka athletic!” Ako din naman ah!
“Mabait siya.” Ako din naman ah!
“At mahal niya ko.” Ako din naman ah…
“Kaya baka. Baka lang naman. Baka
mahal ko na siya.”
Tumalikod na ko at hinarap siya.
Muli kong sinilayan ang mahaba niyang buhok, ang maputi niyang kutis, at ang
mata niyang una ko pa lang nakita, napaibig na ko kaagad.
“Goodluck Jane.”
“Salamat Pete.”
Gustong-gusto kong umiyak,
gustong-gusto ko magwala, gustong-gusto ko maglabas ng sama ng loob pero hindi ko
kaya kaya’t lahat ng emosyon, lahat ng sakit itinago ko lang muna sa sarili ko.
Isang babaeng nakasimpleng org shirt
at blue jeans ang dahan-dahang naglalakad palayo mula sa aking
1 ang nagreklamo


jo (guest)