Entries for December, 2005
"I would rather live as if there IS a God and die to find out there isn't THAN live as if there isn't and die to find out THERE is!"
*mula sa email. 
SAPOL Ni Jarius Bondoc (Ang Pilipino STAR Ngayon
11/26/2005)
KUMIRIRING ang telepono nang madaling araw...
"Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, 'yung
katiwala niyo sa bahay-bakasyunan niyo."
"O, Mr. Arnaldo, ikaw pala. Ano't napatawag ka? May
problema ba?"
"Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na
namatay ang alaga niyong parrot."
"'Yung parrot kong si Pikoy, patay? 'Yung nanalo sa
bird show?"
"Opo, Master Carlos, 'yun na nga po."
"Putris...sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa
ibong 'yon. Hay, buhay! Teka, ano nga ba ang
ikinamatay niya?"
"E, kumain po kasi ng bulok na karne..."
"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang
nagpakain sa kanya ng bulok na karne?"
"W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay
na kabayo."
"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Mr Arnaldo?"
"E, 'yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir.
Namatay po kasi lahat sila sa pagod, kahihila ng
kariton ng tubig."
"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng
tubbbiiiiggggg?"
"'Yun pong pinampatay namin ng sunog."
"Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasasabi
mo?"
"'Yun pong halos tumupok sa bahay niyo...tumumba po
'yung isang nakasinding kandila, tapos nagliyab 'yung
kurtina at mabilis na kumalat ang apoy..."
"Ano? Puuut...e, may kuryente naman diyan sa
bahay-bakasyunan, a. Para saan 'yung kandila?"
"Para sa burol po."
"Ano? Kaninong burol?
"Sa nanay n'yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito
nu'ng isang gabi, walang kaabi-abiso. Lampas
hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw. Binaril ko."
salamat ng maraming marami..
sobrang iniintindi mo kami kahapon, almost to the point na kung pede mo kaming ilibre sa lahat ng bagay gagawin mo.. kaya salamat.. nagenjoy kami.. sobra.. :D
at ang kyut pa rin ng kapatid mo.. gusto na nga namin siyang iuwi eh.. haha.. 
maligayang pasko sa'yo.. at belated happy birthday.. 
sinusubukan ko lang kung talagang totoo yung crosspost feature ng tabulas.. hehe..
let's see what will happen.. 
*galing kay rayray. Congrats nga pala! *
Dear Friends,
As you well know, we are getting closer to my
birthday. Every year there is a celebration in
my honor and I think that this year the
celebration will be repeated.
During this time there are many people shopping for
gifts, there are many radio announcements, TV
commercials, and in every part of the world
everyone
is talking that my birthday is getting
closer and closer. It is really very nice to know,
that at least once a year, some
people think of me.
As you know, the celebration
of my birthday began many years ago. At first
people seemed to understand
and be thankful of all
that I did for them, but in these times, no one
seems to know the reason for the
celebration.
Family and friends get together and have a lot of
fun, but they don't know the meaning of the
celebration. I remember that last year there was a
great feast in my honor. The dinner table was full
of delicious foods, pastries, fruits, assorted
nuts and chocolates. The decorations were exquisite and
there were many, many beautifully
wrapped gifts. But, do you want to know something?
I wasn't invited.
I was the guest of honor and they didn't remember to send me
an invitation.
The party was for me, but when that
great day came, I was left outside, they closed
the door in my face and I wanted to be with them
and share their table. In truth, that didn't
surprise me because in the last few years all
close their doors to me. Since I wasn't invited, I
decided to enter the party without making any
noise. I went in and stood in a corner. They were
all drinking; there were some who were drunk and
telling jokes and laughing at everything. They
were having a grand time. To top it all, this big
fat man all dressed in red wearing a long white
beard entered the room yelling Ho-Ho-Ho!
He seemed drunk. He sat on the sofa and all the
children ran to him, saying: "Santa Claus, Santa Claus"
as if the party were in his honor!
At midnight all the people began to hug each other;
I extended my arms waiting for someone to hug
me and do you know no one hugged me. Suddenly they
all began to share gifts. They opened them one by one
with great expectation. When all had been opened,
I looked to see if, maybe, there was one for me.
What would you feel if on your
birthday everybody shared gifts and you did not
get one?
I then understood that I was unwanted at that party
and quietly left. Every year it gets worse.
People only remember the gifts, the parties, to eat and drink,
and nobody remembers me.
I would like this Christmas that you allow me to
enter into your life. I would like that you recognize
the fact that OVER two thousand years ago
my Father sent me to this world to give my life for you,
on the cross, to save you.
Today, I only want that you believe this with all your heart.
I want to share something with you.
As many didn't invite me to their party, I will have my own
celebration, a grandiose party that no one has ever
imagined, a spectacular party.
I'm still
making the final arrangements..
Today I am sending
out many invitations and there is an invitation
for you.
I want to know if you wish to
attend and I will make a reservation for you and
write your name with golden letters in my great
guest book.
Everybody is invited, and I hope
you take this great opportunity to allow me to be
with you, my beloved friends.
I look
forward to celebrating this
PARTY OF LIFE with
you...
-Jesus
*sabi nga nung pari sa isa sa mga simbahan nung isang araw:
"Tuwing pasko, ang hinahanap niyo si Santa Claus!
Gusto niyo ng regalo, eh bakit, kayo ba ang may birthday?"*
haha. wala lang. nung simbang gabi kasi nung isang araw, kinanta ng choir yung "Bituing Natatangi" bilang communion song. yap, ang walang kamatayang contest piece na ipinanalo ng CHAMPACA sa paskorus last year.
"Bituing Natatangi"
"Hurry To Bethlehem"
CHAMPION - 24th PASKORUS COMPETITION 2004, Level 1
wala lang. astig. napakanta ako kahit habang nagcocommunion.. 
btw, i still know my parts.
and another btw, nakakalima na kong simbang gabi!! yahoo! apat na lang! go me!
go champs! i miss you guys!
guys. patawad pero nawawala ko LAHAT ng files nung project natin.
kaya please naman, wala namang iwanan sa ere. ako na lang so far ang
may ginagawa dito sa project na 'to. kung kaya niyo naman akong
contactin, gawin niyo. PARANG AWA NIYO NA. i need a lot of help now
that i'm starting from scratch. naiiyak na ko dito. 
oh and btw, sa lahat ng makakabasa nito na may alam ng cellphone / landline number ng mga taong 'to, please pakisabi sa'kin. thanks.
PARA KAY NA CHE, MITHI, AT HOPEE:
landline ko: 4557803
cell ko: 09172596376
tumawah kayo, pls.
Balinsasayaw
Written and composed by: Ben Lopez
Malinaw na tubig sa dagat
Saya ng mga kabibe at isda
Korales na makukulay
At sumasayaw sila
Kasabay ng tubig ang saya
Paglabas ng araw ay repleksyon ang nakikita
Asul na Langit ay puno ng mga kwentong masaya
Malawak(?) na kweba,
O kay dilim
Pugad ng pagmamahal na walang wagas
Sahig at kisame na kay talim
Lipon ng mga ibon ating iligtas
Ang Balinsasayaw
Tagapagbalita ng langit
Balinsasayaw
Pag-asa sa kamay ng Kalikasan
Balinsasayaw
*haha. nakalimutan ko na yung second at third verse eh. 
II - Champaca
FIRST PLACE - CONSERVATION COMIC BOOK CONTEST 2004
Second ang dahlia ("Makiling Chainsaw Massacre"
at third ang Jasmin ("Minsang Paraiso"
“Tay, ano po bang pinapanood niyo dyan?”
Hindi ko na nagawang marinig pa ang sagot. Sinundan ang mga pangyayari ng isang malakas na pagsabog. Tila biglang nagunaw ang mundo nang isang malakas na dagundong ang muntik nang magpatalon sa aking puso palabas sa aking katawan. Sumunod doon ang dilaw na ilaw na sumilaw sa aking mga mata. Napadapa na lamang ako sa sahig at doon ay napaluha.
Kinuha ako ni tatay mula sa aking pagkasadlak sa sahig at tinulungang tumayo muli. Kitang-kitang siya man ay nagulat sa nangyaring lakas ng pagsabog. Halatang pinapawisan siya.
Isang malakas na kalabog ng pinto ang aming narinig nang isang babae ang biglang sumulpot sa may pintuan ng opisina ng aking ama.
“Sir, ang kapatid niyo po,” ang balisang-balisa nitong sambit, “sumabog po ang kanyang kotse.”
Si Tiyo Jose? Patay na? Nahihibang na ba ang babaeng ito?
“Nakikiramay po ako, Sir,” ang sambit nito bago naluluhang umalis.
Napalingon ako kay tatay. Sa tono ng pananalita at sa mukha ng babeng kasasalita lang ay natitiyak ong hindi ito nagbibiro. Ilang sandali lang ang nakakara’y nakadungaw pa si tatay sa bintana mula sa kanyang opisina habang pinapanood ang pag-alis ng kanyang kapatid. At tiyak na nasaksihan niya ang pagsabog ng kotse nito.
Inalalayan ako ni tatay papunta sa sofa. Nang nakaupo na ako’y tinungo niya ang kanyang lamesa at nagsalin ng alak sa isang maliit na baso at tuloy-tuloy niyang ininom ito. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
Nakatatandang kapatid ni tatay si Tiyo Jose. Madalas ipagmalaki ng tiyo ko ang aking ama sa kanyang mga kakilala. Nguni’t kahit ganoon ay halatang mas maganda ang takbo ng buhay ni Tiyo Jose. Mas malayo ang narating niya sa kanyang napiling karera kumapara sa aking ama. Kaya naman alam kong lihim din siyang ipinagmamalaki ng aking ama.
Parehong negosyante ang dalawang magkapatid. Pareho rin ang negosyo ng dalawa – damit. Yun nga lang, ang negosyo ni Tiyo Jose ay nakapageexport na sa ibang bansa. Ang kay ama’y hindi ganoon kalaki upang mapantayan ang nagagawa ng negosyo ng aking Tiyo. Paano’y doble ang laki ng negosyo ni Tiyo kumpara sa negosyo ng aking ama.
Madalas kung bumisita si Tiyo sa aming bahay. Mahal na mahal daw kasi niya ang aking ama. Sa katunayan, sa t’wing malalagay sa peligro ang negosyo ng aking ama ay ginagawa kaagad ni Tiyo ang lahat ng kanyang makakaya upang matulungan ang aking ama at maisalba ang kumpanya.
Maging sa akin ay napakagiliw ng aking Tiyo. Lagi itong may dalang asalubong sa akin sa t’wing bibisita siya sa bahay. At kung pupunta naman ito sa ibang bansa, siguradong hindi niya ako makakalimutang dalhan ng pasalubong. Maaga kasing namatay ang kanyang asawa at hindi sila nagkaanak. Ayaw naman daw niyang mag-asawa ulit.
Muling lumapit si tatay sa may bintana. Bakit kaya hindi pa siya bumababa upang tumulong sa mga nangyayari sa baba?
Muli kong inalala ang sagot ni tatay kanina sa tanong ko. Hindi ko na iyon narinig dahil sinabayan ito ng malakas na pagsabog.
“Wala anak. Hinihintay ko lang sumabog ang granadang nilagay ko sa sasakyan ng Tiyo mo.”
*haha. low quality.
just a pathetic attempt to go back into writing. wala na kasing drive para magsulat eh.
^ matuto kung paano hawakan ng maayos ang thurible
^ maging masaya ang pasko ng lahat ng tao lalu na yung mga nakapalibot sa'kin
^ laptop
^ makapasa sa intermed ng UP
^ magkaroon ng nationalism ang mga pilipino
^ wider use of Filipino as means of communication
^ ma-meet yung magandang babaeng nagsisimba tuwing 11:00 a.m.
^ maging successful ang romantic plans ng kuya ko sa nililigawan niya
^ mag-last ang tutorial services ng ate ko
^ end of a dreadful financial crisis
^ wider vocabulary in english (to fell!)
^ makapasok sa nationals next year! 
^ makapunta ng boracay
^ makalabas ng bansa!
^ gusto kong tumaba
(sana tumaba ka na rin Ramon. oi, favor nga
pala, pasabi naman kay che contactin ako oh. i'm desparate..
)
^ matutunan ng mga taong may problema ang kung paano ngumiti.
^ to see her again.
^ above all, no more hesitations or doubts tungkol sa Kanya. in short, a STRONG FAITH.




