Mula kay potchi...
Posted by revolutionofnayr at 02:14 PM on April 29, 2005

fine. i'm damn bored. i have a lot to do pero sa init ng panahon, nakakatamad... hehe...

Find Yourself Here.

The Rules:
1. Write something about 15 different people.
2. You can NOT say who they are.
3. If someone asks you which one is about them, you can NOT tell. If you know you're there, tell me but no reactions. Ahaha.

1. taong sobrang hinahangaan ko pagdating sa opinionated essays. inspiration sa pagsususlat. magaling at matalinong bata. astig magisip kasi diverse ang mga laman ng isip niya.

2. mukhang sobrang yabang at angas. but once you had a chance to talk to him, hahangaan mo siya ng sobra sa mga pilosopiya niya sa buhay.

3. nagsabi sa akin na ang pagsusulat ay isang skill, nakukuha sa pamamagitan ng tiyaga at praktis. hinahangaan ko sa determinasyon sa buhay at sa kanya ko rin nakukuha minsan ang mga ideas ko.

4. sobrang talino. saludo ako sa kanya. medyo masama nga lang sa akin. hehe.. nonetheless, idol ko sa kasipagan.

5. ang pinakamabait na tao sa buong mundo. siya ang gumawa ng mga bagay-bagay para mabuhay ako sa mundong 'to. at buong puso ang pasasalamat ko sa kanya.

6. ang isa sa mga impluwensya ko kaya malapit na ko sa Diyos ngayon. siya ang pinakaunang kumausap sa akin nung first year. hehe. at kakulitan ko hanggang ngayon.

7. mahilig kay stitch at lagi kong nililibre. para ko kasi siyang maliit na kapatid. hehe..

8. dahilan kung bakit nag-blog ako. na-astigan kasi ako sa mga blogs niya. at isa pa sa mga impluwensya ko sa pagsusulat. isa siyang candy at mahilig sa fanfic.

9. idol ko sa pagiging God-fearing at sa guitara. lalu na sa personality. small but terrible ika nga. isa rin 'tong magaling na manunulat.

10. idol ko 'to sa patience. di kasi naaasar kahit na anong inis ko sa kanya. at siya lang ang taong hindi ko narinig na umangal dahil mataba siya. idol ko to. (i.e. ang dami kong idol nyan.. hehe...)

11. mabait at unpredictable. minsan na ako nitong sinigawan. at siya lang ang taong sumigaw sa akin ng hindi ko sinigawan pabalik (except sa parents ko siyempre...) di ko na nga alam kung bakit eh. pero mabait 'to. may trauma sa love. at manlilibre ng subic sa may 6!

12. idol ko sa pag-guiguitara at sa diskarte sa buhay. eto yung inspiration ko kapag may gagawin akong bago sa buhay ko. siya yung ginagawa kong dahilan na kaya ko ring gawin yung mga bagay na nagagawa niya. kaya ayan, i'm a better person.

13. crush ako nito! yikee! joke lang.. pero idol ko 'to sa isa sa pilosopiya niya sa buhay: "She always wants to be different".. basta kahit anong manyari, lilihis siya sa kung ano yung gusto ng nakararami. kung sa bagay, ayos din yun. no insecurities kasi iba naman yung gusto mo eh. sobrang ganda nga pala nito. head-turner.

14. nagturo sa akin kung ano nga ba talaga ang leadership. salamat. ang taong sobrang proud ako kasi napapangiti ko siya.

15. crush ko 'to mula pa nung first year. ang bait ng boses niya. at sobrang astig. active 'to sa mga bagay-bagay sa pisay. athlete na, music lover pa. kaso lang naiilang ata siya sa akin. hehe. ampangit ko kasi.. hehe...

5 ang nagreklamo



Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



Comment posted on November 25th, 2006 at 01:39 AM
ryan, im guessing 6 people.
2, 4, 7, 9, 10, 11, at 15? haha.
lahat ba yan pisay? :-D
Comment posted on April 30th, 2005 at 05:56 AM
eeeeeeeeeeeeeeeeee I know #8,9, and 10!! ahaha. un lang kilala ko.
Comment posted on April 30th, 2005 at 11:19 AM
ahaha.. ang daya mo. yung sayo isa lang nahulaan ko. :p
Comment posted on May 1st, 2005 at 12:31 PM
bwahahaha i rock!! 14 out of 15 nga dun tagapisay eh, di mo pa nahulaan...
Comment posted on May 1st, 2005 at 03:58 PM
eh kasi di ko gets yung descriptions mo eh... hehe.. ang labo.. parang dahlia lang nakakaintindi.. siyempre di ba.. :p
Bio.

I long for the faith that cannot
be shattered by anything. I
long for the faith that makes
me believe and feel secured.
I long for the faith that does
not rely on what historians
say or what Dan Brown told
through his novels. I long for
the faith that would give me
back the reverence that I feel
when I'm attending mass. I
long to see God in everyone.
I long for Him to take the wheel.

And it starts with this prayer.
Navigation.
Tag.
your name:

url:

your message:

Links.
Stuff.





Creative Commons License This work is licensed under a Creative Commons License.

Pinoy Harry 

Potter Community